Friday, November 21, 2008

ang tatlong ermitanyo

Habang hinahanap ko ang reyno delos crystales, makalipas ang tatlong taon, may nakilala akong isang matandang ermitanyo. Binigyan niya ako ng makakain at inumin. Atsaka niya tinanong sa akin ang pakay ko. Sinagot ko siya ng totoo at laking gulat ko ay tinulungan parin niya akong makarating sa paroroonan ko. "Ito ang aking kapirasong baro. Ibigay mo ito sa ermitanyo sa kabilang bundok at kapag tinanong niya kung kanino ito galing, sabihin mong sa matandang sugatan." Kinuha ko ang baro at tinitigan siya. Maya-maya pa'y nasambit niyang, "mahigit dal'wang dantaon na akong naninirahan dito. Itong barong ito ay ibigay mo sa kapatid ko sa kabilang bundok. Matagal na kaming hindi nag-kikita."
Lubos ang kabaitan ng matandang iyon. Humayo na ako at tumungo sa kabilang bundok. Hindi na ako makapag-hintay na makita ang napakagadang si Donya Maria Blanca ng delos Crystales. Kahit na matagal na panahon bago ako nakarating, nagalak ako nang makita ko ang isang matandang ermitanyo sa bundok. Mas matanda siya sa nauna-hanggang baywang ang kanyang balbas. Siya na siguro iyon. "Umalis ka riyan! limang dantaon na akong naninirahan sa bundok na ito at hindi nakakikita ng mga tao!" Sigaw sa akin ng matanda. Ibinigay ko ang baro sa kanya at siya ay napatanga. Para bang alam niya kung kanino ito galing. Niyakap niya ang baro na parang ito ang pinakamahalagang bagay sa mundo. Agad ay tinanong niya kung anong kailangan ko. Ngunit gaya ng nauna, hindi rin niya alam kung saan matatagpuan ang delos crystales. Inutusan niya ang kanyang familiar na dalhin ako sa isa pang bundok at ipakita ang kapirasong baro. Nakita ko ang isa pang ermitanyo. Siya ay ang pinakamatanda sa kanilang lahat. Ang kanyang balbas ay sumasayad na sa lupa. Ibinigay ko ang kapirasong baro at tulad ng nauna ay niyakap rin niya ito at saka siya ang-kuwento. "Tatlo kaming magkakaparid. Ngunit nang bata pa kami'y nag-away kami. Ang ermiyanyong nag-padala sa iyo dito... Mataas ang tingin niya sa kanyang sarili. Siya ang naging dahilan ng pag-aaway-away naming tatlo. Ilang dantaon na rin ang lumipas simula nang mag-away kami. Matagal na matagal na. pitong dantaon na ako sa bundok na ito. Sa mga taong nagdaan, sila lamang ang iniisip ko. Nais ko na silang makita muli at magkasundo-sundo." At sa kabutihang palad ay may nakaalam na rin kung saan ang delos crystales. Makikita na kita, Mariang mahal ko.

Tungkol sa mga ermitanyong nakita ko, sana'y nagkita na silang muli at nag-kasundo. Sana rin ay magkasundo na rin kaming tatlong magkakapatid.

 
template by suckmylolly.com