Sunday, October 19, 2008

chuvaness2

"Sige! Bye! Bisita ka uli next time ha?"
Ang dami ng nagbago kay A. Hindi na s'ya ang dating A na nakilala ni Q. Ano na ang dapat nitong gawin?
Umiiyak si A. Hindi n'ya inaasahan ang nangyari. Ngunit sa tingin n'ya ay tama lang ang ginawa n'ya. Ito ay isang mabuting paraan upang tuluyan nang makalimutan si Q. Kapag si Q na mismo ang nagsabi dito na hindi na n'ya ito mahal, doon, saka lang s'ya magiging kampante. Mahal parin n'ya si Q. Pero ayaw na n'ya. Nag-umpisa ang lahat kay S. Ang kanyang best friend na hindi sinasadyang nagkagusto dito. Isang araw ay bigla nalang itong nagtapat sa kanya. Mabait si S. Halos lahat ng bagay ay nagkakasundo sila. Hindi rin alam ni A kung bakit kahit napakatagal na ay si Q parin ang mahal n'ya. Kung maaari lamang na diktahan ang kanyang puso ay matagal na nya itong ginawa. Ngunit hindi. Siya parin ang A na dating kilala ni Q. Ngunit ayaw n'ya itong ipakita. Nais n'yang lumayo si Q. Simple parin s'ya at kaunti lang ang nagbago sa kanya.
Mahirap ang sitwasyon nila ngayon. Ngunit sa isang pagkakataon ay nalaman ni Q ang totoong nararamdaman ni A. Iyon ay dahil pinsan ni Q si S at bumisita s'ya rito. Napag-usapan nila ang tungkol kay A. Nang biglang bumisita si A sa bahay ni S. Ang A na kilala ni Q. Simple. Ilang saglit silang nagkatitigan. Tinanong ni S kung magkakilala sila. Inamin ni Q ang lahat. Ipinaliwanag ni A kung bakit n'ya nagawa ang mga iyon. Nagulat si Q. Nalungkot s'ya. Gusto ni A na ang mahalin ay si S. Gusto na nitong kalimutan s'ya. Samantlang s'ya, walang ibang hinangad kundi ang makasama ito. Ngunit ganito talaga ang buhay. Magulo, 'di makatarungan. Pinilit nalang ni Q na tanggapin ang lahat at saka umalis. Masakit ito. Hindi lang para kay Q ngunit para rin kay A. "A, 'wag mong pilitin ang sarili mong mahalin ako. Kung s'ya talaga ang laman ng puso mo, 'wag mo itong pigilan." sabi ni S. "Pero pa'no ka?" tanong ni A. "'Wag mo 'kong alalahanin. Alam kong kayong dalawa ni Q ang para sa isa't isa at kailangan kong tanggapin 'yon."
Umalis si A. Ngunit hindi na n'ya nahanol si Q. Umuwi nalang s'ya at tinanong ang sarili, "handa ka na ba na humungi ng tawad sa kanya? na mahalin uli s'ya?" ngunit ang sagot ay hindi. napa-buntong hininga s'ya. "Hindi ko parin kaya." sambit n'ya sa sarili.

Friday, October 17, 2008

chuvaness.

Q, si A ito. Kamusta ka na? Matagal na rin nung huli tayong nagkaroon ng contact no? Ito nga pala 'yung bago kong adres ay telephone number. Tawagan mo 'ko ha?! Ayos lang ako dito. Ikaw, siguro, may bago ka ng girl friend. Ipakilala mo 'ko sa kanya ha?! Sige, sa susunod nalang.
Hindi n'yo inasahan ang nabasa n'ya. matapos ng maraming taon, ang inaasam-asam n'yang sulat ay dumating. nangingilid ang kanyang mga luha. sa wakas. sa wakas, natupad din. hindi n'ya alam ang gagawin n'ya. iniwan ni A ang bago nilang telephone number at pati na rin ang adres n'ya. sabi pa nito, tawagan s'ya. nagtatatalon ang puso ni Q sa nakita. tila hindi makapaniwala. agad s'yang kumuha ng pluma at papel. habang hawak ang sulat na galing kay A, nag-umpisa s'yang mag-sulat.

A, Si Q ito. Ayos lang naman ako. Sa totoo lang, hindi pa kita nakakalimutan. Wala parin akong girl friend.
tama si A, marami ng nagbago sa kanilang dalawa. natatakot sya na baka may maisulat syang mali. at ikagalit ito ni A. natahimik sya ng ilang saglit. at umails ng walang pag-iisip sa kanyang ginagawa. "bahala na," sambit n'ya sa sarili. pumunta s'ya sa isang kalye. tila walang kapaguran. nakasalubong n'ya si T, Isang kaibigan. tinanong nito kung bakit s'ya tila nagmamadali at sinabi n'ya ang lahat ng walang pag-aatubili. ikinagulat nito ang sumunod na sinabi ni T. "sa tingin ko, hindi mo na s'ya dapat pang puntahan." "bakit naman?" tanong ni Q. "gaya ng sabi mo, umalis s'ya,--" "pero hindi n'ya iyong kasalanan!" "hindi pa ako tapos magsalita. pakinggan mo muna ang sasabihin ko. ngayon, bigla s'yang babalik?! sa tingin ko, marami na ang nag-bago. simula noong iwan ka n'ya hangang ngayon. maaaring may nais s'yang mangyari." "hindi, naniniwala akong maganda ang motibo n'ya. " "bahala ka." tinakbo ni Q ang lugar na iyon. nag-uumapaw ang kanyang kaligayahan. Sa wakas! maaari na nyang makitang muli si A! Ang babaeng pinakamamahal nya. nagkahiwalay sila ng maraming taon ngunit ngayo'y maaari na silang magsama. Tumigil s'ya sa isang napakalaking bahay. Isang mansyon, kung iyong pagmamasdan. At sa may tabi'y nakasulat, "A residence". Napakurap s'ya at hindi makapaniwala sa nakita. Ito. Ito na pala ang bagong bahay nya ngayon. Para syang isang asong itinaboy sa kanyang ekspresyon. Hindi nya kayang magpatuloy. napakalayo na ng agway nila ng A. Paalis na sana sya nang may makita s;yang isang taong lumabas ng gate. "sir, ano po ang kailangan ninyo?" sabi nito. Ah, siguro'y sila ang katulong dito. "Ah, wala, napadaan lang ako. Pasensya na sa abala." Ngumiti sya at lumakad na paalis. Bigla syang may narinig na isang pamilyar na tinig galing sa likod. "Q!" sabi nito. Ah, ang boses na 'yon. Ang sarap pakinggan. Parang hele ng isang ina sa kayang supling. Tumawag pa uli ito. At sa kan'ya naalala ang rason ng pagpunta n'ya sa bahau na 'yon. "Q, Si A ito! Lumingon ka naman please!" Napalingon sya dito. Ngunit may imahe sa kanyang harapan hindi n'ya matandaan. "Q, si A ito!" sambit muli nito. Hindi sya nakapaniwala. Napakalaki ng ipinagbago nito. Sa isang simpleng A, nayon ay isang A na napakagarbo ng damit at nakasisilaw. Maganda ito. Mas maganda kaysa dayi ngunit ayaw nya iyong isipin. "Q, halika, pasok ka. Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan e." Sabi nito sabay ngiti.

"Bahala na," sambit muli ni Q. "Q, ano, kamusta ka na? doon ka parin ba nag-aaral sa dati nating school?"
"o-oo"
"Q ano ba, 'wag kang kabahan. Ao parin si A. medyo nag-iba nga lang."
"H-hindi naman ako kinakabahan e."
"E anong tawag mo d'yan?"
"sabi ngang hindi ako kinakabahan e."
"kinakabahan ka!"
"hindi nga!" naaalala pa ni Q ang mga pag-uusap nitong ganoon may halong tuwa sa puso nya. "Baka hindi pa sya nagbabago."
"hindi. kasi, hindi lang ako makapaniwala."
"saan?"
"sa lahat. na nasa harap kita, kausap kita, nagkita uli tayo matapos ang ilang taon, at ang sulat. kung paano kayo naging mayaman."
"ah, naku, mahabang storya. gusto mo bang ikwento ko?"
"Hindi, 'wag na. gusto ko lang na malaman mong. wala parin akong ibang naging girl friend kundi ikaw at... mahal parin kita."
"Q, sa tinagal tagal ng panahong 'di tayo nagkita, natuto ka na ring mag-biro."
"Hindi ako nagbibiro."
"Hay. ewan ko ha."




Hindi makapaniwala si Q sa narinig. Ang dami ngang nag-bago kay A. Ngunit mahal parin nya ito.

Friday, October 10, 2008

Q&A: So, is it over?

P: A, I would just like to say sorry.

A: Para saan?
Ay! 'Di pala siya nakakaintindi ng tagalog!

P: Para sa lahat ng ginawa ko. Siguro, tingin mo, I am a bad girl. But, really, I'm not. I'm just doing it lang naman because I'm noy that sure na hindi mo habol kay Q ang looks/money niya e. Syempre kasi pinsan ko siya at siya ang pinaka-kaclose ko. (Kahit isa lang naman talaga siyang pinsan ko.) I hope you'll forgive me.

A: A-alam mo kung paano mag-salita ng tagalog?

P: Well, actually, yes. Of course Iknow it! Dito kaya ang birth place ko no? At dito rin ako lumaki. Tita (Q's mother) just made me go to school in the US. I should only be there for 2 years pero I got a scholarship on the first year palang so we decided na doon nalang ako mag-aral since sayang din naman ang scholarship.

A: Ibig sabihin, naiintindihan mo lahat ng sinasabi namin?

P: Yea. Including when you're talking with E. About me.

A: Sorry talaga! Hindi na mauulit!

P: Oh, Ano ba, ok lang 'yun. Alam ko namang what I showed you was kinda harsh so it's ok.

A: Really?

P: About that guy named D, he wants me to tell you na he won't chase you na. He already gave up. And besides,he told me that he's back with L. And you know what, they look good together!

A: Oh, Is that true?

P: Oo naman!

A:salamat naman. mukhang tatahimik na rin ang buhay ko.

P: So, pa'no ba 'yan? I have to go na!

A: Bye!

P: Bye!

...
---
___

Q: So, I guess it's over?

A: Yea. Tingin ko rin.

Q: Sabay na tayong pumuta sa bahay n'yo.

A: Okey.

<*holding hands*>



The End! I hope you enjoyed the

story! (even though I know that

its short)

 
template by suckmylolly.com