Wednesday, December 24, 2008

Ang pasko... 2

Noche Buena na mamaya. Ganito naman every year e. Wala akong kasama. Sanay na rin ako. Kahit paano.

tick tock tick tock.


5 minutes before christmas.


tick tock tick tock.

2 minutes. 1 minute.


10, 9, 8, 7, 6, 5, 4, 3...


knock knock.

step. step.


2


1


"Merry Christmas, Kris!!!!!"
"'Di na dapat kayo nag-abala."
"Okey lang. Para naman 'to sa friend namin e."
"Thanks. Pasok kayo."


"Teka, 'di mo ba kami papapasukin?"
"Mommy?! Daddy?!"
"Sino pa ba?"
"Pero diba nasa work kayo?"
"Pinayagan kaming umuwi ng boss namin kaya nagbalik kami."
"Thanks."
"Kain na tayo."



Merry Christmas to all!
frohe Weihnachten
!

Monday, December 1, 2008

Ang pasko...

"We wish you a merry christmas
we wish you a merry christmas
we wish you a merry christmas and a happy new year
namamasko po..."

"Ito oh. pag-hatian n'yo 'yan ha?!"
"Thank you. Thank you. Ang babait ninyo thank you."
"Welcome."

Ito ang karaniwang senaryo tuwing kapaskuhan... Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng 'christmas spirit'?


"hello, anak, 'di ako makakauwi ngayong pasko d'yan ha. Marami kasing trabaho e. hayaan mo, hahanap ako ng paraan ha?!"
"lagi naman kayong wala ni mommy e. sanay na 'ko. okey lang."
"anak pasensya na talaga. marami pa kasi akong trabaho e."
"daddy, would you please stop it?! pupunta pa 'ko ng school."
"ah. oo nga pala. sige. ingat ka ha."

Lagi namang ganito. wala sina mommy at daddy sa bahay tuwing christmas. tingin ko nga, isang ordinaryong araw nalang ang christmas e. except na may christmas tree at noche buenang nakahanda.
Lagi namang ganito sa malaking bahay na 'to. Malamig. Walang buhay. Tahimik. Malungkot.



"Kris, uuwi ba ang parents mo this year?"
"Hindi. Bakit?"
"Gusto mong magpalipas ng christmas sa bahay namin?"
"No thanks. Marami pa 'kong gagawin e."
"eh? Paskong pasko!"
"oo. marami akong aayusing paper works for school."
"i don't believe you. kung ganyan talaga ang dapat gawin para maging 1st honor, 'wag nalang."
"wala namang pumipilit sa'yo na gawin 'to e."
"yeah. you're right. pero bilib ako sa'yo ha?! kita mo, ang yaman-yaman n'yo, tapos ang tali-talino mo pa!"
"whatever ha. pero anong sense ng mga 'yon kung wala namang 'warmth'?"
"..."
"..."
"uy friend. alam kong wala kang ibang gagawin sa pasko kundi tumingin sa christmas lights sa labas ng bahay niyo hanggang makatulog ka. sumama ka na sa'min sa pasko."
"ayokong mag-mukhang kawawa. na... mayaman nga kami pero lagi namang wala ang parents ko."
"mas mabuti na 'yung maging masaya ka. Pasko pa naman. Sige na. Please."
"ayoko talaga."
"bahala ka."



ganito nalang lagi. tahihmik. malamig. pag-alis ng bahay. pag-uwi. wala si mommy at daddy. nasa trabaho nila sa singapore. madalas, ako lang ang tao sa bahay. minsan, nandito si yaya tacia. siya 'yung helper namin pero once in every two weeks lang siya pumupunta sa bahay. hindi rin kami masyadong nag-uusap kasi hindi kami close. minsan naman, may group projects at dito ginagawa sa bahay kasi meron kaming room na perfect sa paggawa ng projects. pero most of the time, malungkot.

 
template by suckmylolly.com