Q, si A ito. Kamusta ka na? Matagal na rin nung huli tayong nagkaroon ng contact no? Ito nga pala 'yung bago kong adres ay telephone number. Tawagan mo 'ko ha?! Ayos lang ako dito. Ikaw, siguro, may bago ka ng girl friend. Ipakilala mo 'ko sa kanya ha?! Sige, sa susunod nalang.Hindi n'yo inasahan ang nabasa n'ya. matapos ng maraming taon, ang inaasam-asam n'yang sulat ay dumating. nangingilid ang kanyang mga luha. sa wakas. sa wakas, natupad din. hindi n'ya alam ang gagawin n'ya. iniwan ni A ang bago nilang telephone number at pati na rin ang adres n'ya. sabi pa nito, tawagan s'ya. nagtatatalon ang puso ni Q sa nakita. tila hindi makapaniwala. agad s'yang kumuha ng pluma at papel. habang hawak ang sulat na galing kay A, nag-umpisa s'yang mag-sulat.
tama si A, marami ng nagbago sa kanilang dalawa. natatakot sya na baka may maisulat syang mali. at ikagalit ito ni A. natahimik sya ng ilang saglit. at umails ng walang pag-iisip sa kanyang ginagawa. "bahala na," sambit n'ya sa sarili. pumunta s'ya sa isang kalye. tila walang kapaguran. nakasalubong n'ya si T, Isang kaibigan. tinanong nito kung bakit s'ya tila nagmamadali at sinabi n'ya ang lahat ng walang pag-aatubili. ikinagulat nito ang sumunod na sinabi ni T. "sa tingin ko, hindi mo na s'ya dapat pang puntahan." "bakit naman?" tanong ni Q. "gaya ng sabi mo, umalis s'ya,--" "pero hindi n'ya iyong kasalanan!" "hindi pa ako tapos magsalita. pakinggan mo muna ang sasabihin ko. ngayon, bigla s'yang babalik?! sa tingin ko, marami na ang nag-bago. simula noong iwan ka n'ya hangang ngayon. maaaring may nais s'yang mangyari." "hindi, naniniwala akong maganda ang motibo n'ya. " "bahala ka." tinakbo ni Q ang lugar na iyon. nag-uumapaw ang kanyang kaligayahan. Sa wakas! maaari na nyang makitang muli si A! Ang babaeng pinakamamahal nya. nagkahiwalay sila ng maraming taon ngunit ngayo'y maaari na silang magsama. Tumigil s'ya sa isang napakalaking bahay. Isang mansyon, kung iyong pagmamasdan. At sa may tabi'y nakasulat, "A residence". Napakurap s'ya at hindi makapaniwala sa nakita. Ito. Ito na pala ang bagong bahay nya ngayon. Para syang isang asong itinaboy sa kanyang ekspresyon. Hindi nya kayang magpatuloy. napakalayo na ng agway nila ng A. Paalis na sana sya nang may makita s;yang isang taong lumabas ng gate. "sir, ano po ang kailangan ninyo?" sabi nito. Ah, siguro'y sila ang katulong dito. "Ah, wala, napadaan lang ako. Pasensya na sa abala." Ngumiti sya at lumakad na paalis. Bigla syang may narinig na isang pamilyar na tinig galing sa likod. "Q!" sabi nito. Ah, ang boses na 'yon. Ang sarap pakinggan. Parang hele ng isang ina sa kayang supling. Tumawag pa uli ito. At sa kan'ya naalala ang rason ng pagpunta n'ya sa bahau na 'yon. "Q, Si A ito! Lumingon ka naman please!" Napalingon sya dito. Ngunit may imahe sa kanyang harapan hindi n'ya matandaan. "Q, si A ito!" sambit muli nito. Hindi sya nakapaniwala. Napakalaki ng ipinagbago nito. Sa isang simpleng A, nayon ay isang A na napakagarbo ng damit at nakasisilaw. Maganda ito. Mas maganda kaysa dayi ngunit ayaw nya iyong isipin. "Q, halika, pasok ka. Sabi ko na nga ba, ikaw 'yan e." Sabi nito sabay ngiti.
A, Si Q ito. Ayos lang naman ako. Sa totoo lang, hindi pa kita nakakalimutan. Wala parin akong girl friend.
"Bahala na," sambit muli ni Q. "Q, ano, kamusta ka na? doon ka parin ba nag-aaral sa dati nating school?"
"o-oo"
"Q ano ba, 'wag kang kabahan. Ao parin si A. medyo nag-iba nga lang."
"H-hindi naman ako kinakabahan e."
"E anong tawag mo d'yan?"
"sabi ngang hindi ako kinakabahan e."
"kinakabahan ka!"
"hindi nga!" naaalala pa ni Q ang mga pag-uusap nitong ganoon may halong tuwa sa puso nya. "Baka hindi pa sya nagbabago."
"hindi. kasi, hindi lang ako makapaniwala."
"saan?"
"sa lahat. na nasa harap kita, kausap kita, nagkita uli tayo matapos ang ilang taon, at ang sulat. kung paano kayo naging mayaman."
"ah, naku, mahabang storya. gusto mo bang ikwento ko?"
"Hindi, 'wag na. gusto ko lang na malaman mong. wala parin akong ibang naging girl friend kundi ikaw at... mahal parin kita."
"Q, sa tinagal tagal ng panahong 'di tayo nagkita, natuto ka na ring mag-biro."
"Hindi ako nagbibiro."
"Hay. ewan ko ha."
Hindi makapaniwala si Q sa narinig. Ang dami ngang nag-bago kay A. Ngunit mahal parin nya ito.

0 comments:
Post a Comment