"Sige! Bye! Bisita ka uli next time ha?"Ang dami ng nagbago kay A. Hindi na s'ya ang dating A na nakilala ni Q. Ano na ang dapat nitong gawin?
Umiiyak si A. Hindi n'ya inaasahan ang nangyari. Ngunit sa tingin n'ya ay tama lang ang ginawa n'ya. Ito ay isang mabuting paraan upang tuluyan nang makalimutan si Q. Kapag si Q na mismo ang nagsabi dito na hindi na n'ya ito mahal, doon, saka lang s'ya magiging kampante. Mahal parin n'ya si Q. Pero ayaw na n'ya. Nag-umpisa ang lahat kay S. Ang kanyang best friend na hindi sinasadyang nagkagusto dito. Isang araw ay bigla nalang itong nagtapat sa kanya. Mabait si S. Halos lahat ng bagay ay nagkakasundo sila. Hindi rin alam ni A kung bakit kahit napakatagal na ay si Q parin ang mahal n'ya. Kung maaari lamang na diktahan ang kanyang puso ay matagal na nya itong ginawa. Ngunit hindi. Siya parin ang A na dating kilala ni Q. Ngunit ayaw n'ya itong ipakita. Nais n'yang lumayo si Q. Simple parin s'ya at kaunti lang ang nagbago sa kanya.Mahirap ang sitwasyon nila ngayon. Ngunit sa isang pagkakataon ay nalaman ni Q ang totoong nararamdaman ni A. Iyon ay dahil pinsan ni Q si S at bumisita s'ya rito. Napag-usapan nila ang tungkol kay A. Nang biglang bumisita si A sa bahay ni S. Ang A na kilala ni Q. Simple. Ilang saglit silang nagkatitigan. Tinanong ni S kung magkakilala sila. Inamin ni Q ang lahat. Ipinaliwanag ni A kung bakit n'ya nagawa ang mga iyon. Nagulat si Q. Nalungkot s'ya. Gusto ni A na ang mahalin ay si S. Gusto na nitong kalimutan s'ya. Samantlang s'ya, walang ibang hinangad kundi ang makasama ito. Ngunit ganito talaga ang buhay. Magulo, 'di makatarungan. Pinilit nalang ni Q na tanggapin ang lahat at saka umalis. Masakit ito. Hindi lang para kay Q ngunit para rin kay A. "A, 'wag mong pilitin ang sarili mong mahalin ako. Kung s'ya talaga ang laman ng puso mo, 'wag mo itong pigilan." sabi ni S. "Pero pa'no ka?" tanong ni A. "'Wag mo 'kong alalahanin. Alam kong kayong dalawa ni Q ang para sa isa't isa at kailangan kong tanggapin 'yon."
Umalis si A. Ngunit hindi na n'ya nahanol si Q. Umuwi nalang s'ya at tinanong ang sarili, "handa ka na ba na humungi ng tawad sa kanya? na mahalin uli s'ya?" ngunit ang sagot ay hindi. napa-buntong hininga s'ya. "Hindi ko parin kaya." sambit n'ya sa sarili.

0 comments:
Post a Comment