Wednesday, August 27, 2008

Q & A: Ang pagtatapat / Love triangle itech!

Previous:
"Pwede ba tayong mag-usap?"
--Q

Present:
A: H-ha?!

Q: Alam mo na... Kasi ano e...

A: Ano?

Q: Kasi... Ano kasi e... S...

A: Ano nga...

Q: <*buntong-hininga*> I... Sorry... Kasi... dun sa... alam mo na...

A:totoo ba 'to? first time ko lang s'yang narinig mag-sorry... I must be dreaming...

Q: Hindi mo ba narinig?! SORRY NA NGA... 'WAG KA NG MAGALIT... PROMISE, I WON'T REAPEAT IT NA... JUST GIVE ME ONE MORE CHANCE...

A: Anong nakain mo? Bakit parang... parang... may nag-iba sa'yo... (sabi n'ya trying to hide na natutuwa s'ya at nagugulat)

Q: W-wala naman... Ano... Ganito naman talaga 'ko a?! Ano bang nag0iba sa'kin... wala naman a?!

A:ano bang nangyayari sa buhay ko... buhay pa ba 'ko?

Q: So ano, tatanggapin mo ba 'yung apology ko o hindi...

A:oo s'yempre! tatanggapin ko! basta galing sa'yo...

A...may kundisyon... Ano... A... kasi, malapit na ang birthday ng kapatid ko... si K... Ano... a... (Ano bang pinagsasasabi ko?) D-dahil may kasalanan ka sa'kin, i-ikaw ang magiging escort ko... s-sa party...

Q: A, 'yun lang pala e... No prob... kundisyon na ba 'yan? Akala ko naman, papakainin mo 'ko ng uod tapos vivideohan mo 'ko at ipagkakalat sa klase... Kinabahan ako dun a... Pero, teka, bakit ako? Akala ko ba, si D ang crush mo... 'di kaya, may gusto ka sa'kin?

A:*blush* 'di kaya! ang kapal din naman ng fes mo no!

Q: E bakit ka nag-bablush?

A: Anong ako? Baka ikaw!

Q:*blush* A-anong ako...

A: Oo kaya! Ayan o! Ang pula ng pisngi mo!

Q: Hindi!

A: Oo!

Q: Hindi nga sabi e!

A: Mag-salamin ka nga para malaman mo!

Q:Basta alam ko hindi!

A: Hindi porke alam mo, totoo na...

Q: Sige na, talo na 'ko...

A: Edi inamin mo ring nag-bablush ka!

Q:*mas nag-blush* Hindi nga!! Ang kulit mo!

A: Oo nga... promise, 'di ako nag-sisinungaling...

Q: Hindi mo ba alam na kaya 'ko nag-bublush ay dahil may gusto 'ko sa'yo!

A: A-ano?

Q: Anong ano! Sige, matutulog na 'ko... Pumayag 'yung parents mo na mag-overnight ka dito pero ewan ko... baka may lagnat ka parin... kaya tignan nalang natin bukas...

({PS pinadala 'yung gamit ni A sa bahay este semi-mansion nina Q})

A: <*sa kuwarto*>ano? hindi pwede! s'ya... imposible talaga! Hay A! nagiimagine ka na ng mga bagay... hindi porke nakapag-stay na 'ko sa bahay nila, ibig sabihin, may gusto na s'ya sa'kin! A, gumising ka nga!

...
---
___

<*sa school*>

D: Good morning, A!

A: D-D? Bakit ka nandito? Diba sa kabilang section ka pa?!

D: E kasi namimiss kita e...

A: Ano???

D: Oo, tama... namimiss kita...

A: At bakit mo naman ako mamimiss? E ni minsan nga 'di pa kita naging kaklase at hindi tayo magkakilala!

D: Kung ganon, sumama ka sa'kin para magkakilala tayo! *smayyyyyyyyyl*

A: Saan?

D: Gusto mong malaman kung saan?!

Q: Ahem, ahem... Ah, lo-lovers, sa labas muna kayo...

A: A-anong lovers?! Di-diba alam mo namang hindi kami?!

Q: Basta lumabas kayo!!

A:ang gulo talaga ng taong 'yun... kagabi lang, ang bait-bait n'ya tapos ngayon, ang sungit nanaman!

D: Ayaw mo nun?! Magiging solo na natin 'yung mundo!

A: Ha?! Anong masolo 'yung mundo?! Mag-aaral pa 'ko, no!

D: 'Yan ang gusto ko sa'yo e... Hard-working! Kaya ka tumatalino e!

A: Anong matalino ang pinag-sasasabi mo d'yan? Aalis na nga ako!

D: Bye, love!

A: Love-in mo 'yang mukha mo!

...
---
___

E: A, sorry kahapon kasi 'di ako nakarating...

A: Ok lang, nag-kaayos na kami e...

E: Digurado ka ba?! Mukha kasing galit e!

A: Baka bad trip lang...

E: Siguro nga...

:::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::::

Q:nakakaasar talaga s'ya! sinabi ko na sa kanya kagabi na may gusto ako sa kanya pero nakiki-paglampungan pa s'ya kay D!

D: Oy p're! Q!

Q:anong pare! shit ka a!
O, bakit?

D: Diba close kayo ni A? Patulong naman o!

Q:ayoko nga!
T-tungkol kay A?

D: Oo! May gusto 'ko sa kanya p're!

Q:ulol! lahat nalang ng babaeng nagiging popular, nililigawan mo! gago ka ah!

D: So ano, tutulungan mo ba 'ko?

Q: Alam mo, 'wag nalang s'ya... Ang daming popular na babaeng iba d'yan 'tol... sisisarain mo lang ang buhay n'ya... Naalala mo pa ba si L? Tignan mo, anong narating n'ya sa'yo? Nabaliw! Itigil mo na 'yan 'tol!

D: Alam mo p're, maganda kasi si A... Grabeh... Tapos, alam mo 'yung ideal woman ba?! S'ya 'yun grabeh! Ah, alam ko na... Naunahan mo na 'ko... May gusto ka sa kanya no!

Q: W-wala a! *blush*

D: SO pwede akong manligaw?

Q: Ikaw, buhay mo naman 'yan e!

D: Ilakad mo 'ko sa kanya ha?!

Q: Ha?! Bakit ako?

D: Aba! E sino pa bang iba? E close kayo diba?!

Q:...

...
---
___

M: Q! Hinimatay daw si A! Naa school clinic daw s'ya ngayon!

Q: Ha?! Teka? SInong daw?

M: Sabi ni D, kinakausap daw n'ya si A sa canteen tapos bigla raw hinimatay!

Q: Sinong nag-dala sa kanya sa clinic?

M: Obvious ba? Edi si D! Nakakainggit nga sila e! Parang sila na talaga! Tapos, binabantayan pa ni D si A hanggang ngayon! Ang sweet diba?!

...
---
___

Q: A! A!

D: Sh! wag kang maingay! Ayos na raw s'ya... Kailangan daw n'yang magpahinga kaya ito... Ang cute pala n'yang matulog... P're, feeling ko, inlove na talaga 'ko sa kanya...

Q: Sus! diba ganyan din 'yung sinabi mo noon? Kay L, remember? Parang naiinlove ka na tapos iniwanan mo naman s'ya para dun sa isa pa! Hoy! Alagaan mo si A ha?! 'Pag nalaman kong sinaktan mo s'ya, lagot ka sa'kin...

D: 'Di pare, promise na talaga 'to... Tignan mo o... Ang ganda n'ya talaga... Mahirap ipaliwanag pero, alam mo 'yun... Parang... Ayaw mong mahiwalay s'ya sa'yo... Ikaw ba? Naranasan mo na ba 'yun...

Q: Oo... Naranasan ko na 'yun... Parang gusto mong ipag-sigawan sa lahat ng tao na may gusto ka sa kanya pero baka wala naman s'yang gusto sa'yo...

D: Wow! Naging lalaki ka na rin, pre!

Q: Sira!

D: Pero, totoo 'yung sinabi mo... Love na ba 'yun? P're ngayon lang ako totoong na-inlove sa babae... Tulungan mo ako...


Q: Ano 'yan? Bagong gimik? Para lang tulungan kita?
nakikita ko sa mukha n'ya na seryoso s'ya kay A... Anong gagawin ko... Mahal ko rin si A...

D:...

too bee cownteeniiood

0 comments:

 
template by suckmylolly.com