Wednesday, August 27, 2008

Q & A: A's encounter

Prevous:

"Makapunta nga sa park..."
--Q
(Ang ganda ng prevoious ko no?! inggit ka?!)
Present:


A:pero teka?! Saan na nga uli 'yung exit? Wah! ang laki kasi ng park e! Saan ako pupunta?! Ahh! Anong gagawin ko?! Teka... may mapa 'ko ah... Huh?! Umuulan? Wah! 'yung mapa ko, napunit na! Hindi na 'to magagamit...Relax... Relax... Alam ko, dito 'yung dinaanan ko kanina e... Dito nga ako pupunta...

Q:hay... Ang sarap talagang mag-liwaliw diro lalo na kung maraming iniisip...

A:kaliwa?? Diretso?? Bahala na nga kung saan ako mapunta!

Q: Teka? Si A ba 'yun? Hindi... Imposible! Anong ginagawa n'ya dito? Lalo na ngayon at umuulan! Wala s'yang payong! Pero, s'ya nga! A!

A:pakiramdam ko, ang lamig-lamig... Nasaan na ba 'yung exit? Bakit nagiging-blurred 'yung paningin ko? Parang nanghihina ako... Sinong tumatawag sa'kin? Parang si Q 'yun ahh... <*Hinimatay*>

Q: A! A! Gising! HUY!

...
---
___
­­­־­­­־­­­־­­­־­­­־­­­־

A: Ha? Nasan ako! K-Q?! Nasan ako?! Pano 'ko nakapunta dito?! Iuwi mo ko!

Q: Relax.. Hinimatay ka sa park kanina... Mataas ang lagnat mo... Ikaw kasi e! Pumunta ka pa sa park e alam mo namang uulan!

A:oo nga... alam ko ngang uulan... Pero sabi kasi ni E, tutulungan daw n'ya 'ko sa problema ko sa'yo...

Q: O ano, uuwi ka na ba? malakas pa ang buhos ng ulan... dito ka na mag-dinner... Mukhang matagal pa bago tumigil ang ulan so dito ka na rin mag-overnight... Ipag-paalam nalang natin sa parents mo...

A: Hindi ba nakakahiya?

Q: Sus ano ba! Ang parents ko pa nga ang may gustong may bisita lagi e! oo nga pala... mag-palit ka... Giginawin ka lang sa basa mong damit... Naandun sa Guest room 'yung damit... F! Pakidala si A sa Guest room...

F: Opo sir... A, halina po kayo...

A:wow sosyal!

...
---
___


Q: A, meet my parents... Dad G, Mommy J, this is A... A, these are my parents, Dad G and Mommy J...

A:sosyal talaga!

after meal...

Q: Mom, dad, punta na pa 'ko sa kwarto ko... Mag-usap muna kayo ni A, para naman malaman n'yang mabait kayo...

G: Ah! So ikaw pala si A...

A: Pano n'yo po ako nakilala?

J: Hindi ba sinabi sa'yo ni Q? Lagi ka n'yang binabanggit sa'min...

A: A-ano?

G: Oo... sa katunayan nga, parang may gu--

J: Ah, sabi ni Q, mahirap daw ang ginagawa n'yo sa school... Pwedeng-pwede kang magpa-tutor sa kanya...

G: Ano ba naman... Bakit mo pinutol ang sinadabi ko?

J:Ano ba! Dapat 'wag natin pakialaman ang LV nila! Mukhang MU e!

A: Ah... Sige po, pupunta muna 'ko sa balcony...

G&J: Sure!

...
---
___

A: ano kaya 'yung sinasabi nila... Ano 'yung LV? MU? hmm...

Q: A, pwede ba tayong mag-usap...

A: H-ha?!

2 be continued...

0 comments:

 
template by suckmylolly.com