Sunday, August 24, 2008

Q & A: buhay MU

Q: ang ganda n'ya talaga... mapapansin kaya n'ya 'ko? kumalat dati sa school na may gusto raw s'ya sa'kin pero, totoo kaya? 'yung ganyan kaganda, magkakagusto sa katulad ko? Matalino nga ako pero 'di naman ako gwapo... tsaka... basta napaka-imposible!

A:matagal na 'kong may gusto sa'yo... napapansin mo ba? kagi nga lang kitang iniiwasan kasi baka mahalata mo... nalaman na rin ng mga tao sa school na may gusto ako sa'yo at lagi pa nga tayong tinutukso e... Minsan iniiwasan mo rin ako... naaasar ka ata na tinutukso tayo kasi wala kang gusto sa'kin... sa bagay, ano nga bang maguustuhan mo sa'kin? there's nothing special about me! hanggang pangarap nalang siguro ako...

Q:madalas kitang iniiwasan noon dahil baka malaman din ng buong campus na may gusto ako sa'yo... lagi kitang napapanaginipan sa gabi pero masyado talagang imposibleng matupad 'yon... dahil lagi kitang iniiwasan, hindi tayo naging close pero naging memorable sa'kin 'yung mga time na seatmates tayo... lagi kitang kausap... 2 taon tayong nagkahiwalay ng section... grade six na noong 2 taon... lilipat ako ng school sa 1st year natin... 'di na kita makikita... lagi kong hinihiling na 'wag na akong umalis dahil alam kong 'di ka aalis ng school... natupad naman... naging magkaklase pa tayo! salamat nalang at natupad ang wish ko...

A:dati noong magkaklase pa tayo, sinasabi mo ng aalis ka ng school pagdating ng 1st year natin... ibig sabihin, 'di na kita makikita, masusulyapan... hindi pa tayo naging magkaklase noong nakaraang 2 taon... malingkot talaga ako pero noong unang araw ng klase, nagulat ako nung nakita ko ang pangalan mo... hindi ka raw nakapasa sa entrance exam sa papasukan mong school... nagtataka nga ako kung paano nangyari 'yun samantalang masyado kang matalino... at ito pa, naging magkaklase pa tayo! hiniling ko din 'to dati... in the past 2 years... ang maging kaklase ka uli... ito na 'yun! pinagbigyan na 'ko ng pagkakataon...

Q:ngayon, 'di ko na palalampasin ang pagkakataon... marami ng paahon ang nasayang... dati akala ko, crush lang kita pero ngayon, mahal na kita... hindi ko rin alam kung paano ito nangyari pero mahal nalang kita bigla... ngayon, i'll grab the chance para mapalapit sa'yo... kahit na maging friends lang tayo, okey na sa'kin... pero s'yempre, dapat walang makaka-halata pati ikaw... unti-unti lang ha?!

A:himala ata, nakikipag-usap ka na sa'kin! ano bang nangyari sa'yo? ayan tuloy, lalo kang napapamahal sa'kin... gusto ko nang sabihin na may gusto ako sa'yo noon pa... hay... ang hirap kaya ng sitwasyon ko, kung alam mo lang...

Q&A:okey lang sa'kin na ganito lang tayo... kasi alam ko naman wala akong pag-asa na mahalin mo e...

0 comments:

 
template by suckmylolly.com