Saturday, August 30, 2008

Q & A: Fate gives way...

Previous:
Q&A thinks the same... MU nga sila diba?! meanwhile, si D naman ay 'di susuko kay A... Away na itech!

Present:
H: Anak! May lagnat ka pala! Sabi ko na nga ba sa papa mo, dapat, 'di na kami pumayag na mag-overnight ka dun sa kaklase mo e!

A: Pasensya na po mama...

I: Ayos lang 'yun anak, ang mahalaga, ligtas ka...

A: Salamat po papa...

I: Parang malungkot ka, anak... Dahil ba marami kang mamimiss sa school?

A:hindi lang 'yun...
Opo...

I: Hay, 'wag ka na mag-alala... Ieexcuse ko sa teacher mo na meron kang kaklaseng pupunta dito para makahabol ka sa lessons...

A: Di n'yo na po dapat ginawa 'yun... Gagaling din naman po ako e...

H: Ayos lang 'yun anak... Sige, matulog ka na para may lakas ka ha?!

A: Opo...

<|Nag-sulat si A para kay Q pero wala s'yang balak na ibigay ito... para lang mailabas n'ya ang sama ng loob n'ya...|>
A:dear Q, ewan ko... mahal na ba kita? bakit parang merong mali... parang may tinatago ka sa'kin... totoo ba 'yung sinabi mong may gusto ka sa'kin? sana, ulitin mo 'yun... at sa next time nauulitin mo 'yun, sasabihin ko na na may gusto 'ko sa'yo... pero, paano kung hindi mo na ulitin? itatago ko nalang ba na may gusto 'ko sa'yo? ewan ko! pero, namimiss kita... lagi... may gusto 'ko sa'yo... dati pa! naaalala mo ba last time na magkaklase tayo, tinutukso tayong dalawa... kasi may gusto 'ko sa'yo at nalaman 'yun ng mga klasmeyts natin... pero ikaw, hindi ko alam kung may gusto ka sa'kin... meron ba? ha? meron ba? sagutin mo naman ako o... matagal na 'kong naghihintay sa'yo... Nagmamahal, A <|nilagay n'ya sa may mesa|>




H: O, nandito na ata s'ya... Sige ha?!

(pasok...)

A: Q?

Q: Hi, A! {malungkot na ngiti}
Ako 'yung vinote nung mga kaklase natin na mag-turo sa'yo... Kamusta ka na ba?!

A: ayos lang... Ok lang ba sa'yo na ikaw 'yung magtuturo?

Q: O-oo...
<*flashback*>

Q: Gi-give up na talaga 'ko kay A:

B: Hindi pwede! Nasesense ko with my super natural chorcah powers na may usto din s'ya sa'yo!

Q: Ilang beses ko ba sasabihin sa'yong wala nga s'yang gusto sa'kin!

B: Hindi pa nag-kakamali ang aking super natural chorcah power koh no!

Q: Bahala ka nga!

B:<|lapit mukha kay Q|> Gagawa ako ng paraan para mag-kaayos kayo, ok?
[may tumulak kay B at muntikan nang matuloy ang inaakala mo. ang kiss but then, merong someone na may pakana ng eksenang 'yon... abangan.]

RIIING!

C: Ok class, may sakit si A at tumawag ang parents n'ya... Sinong nag-vovolunteer para magturo sa kanya...

B: Ms. C, I nominate Q...

Q: Huh? Wha-- Anong?

C: Ok, so ikaw nalang ha, Q.

Q: Ah, eh...

B: Ms. C, gustong-gusto daw po n'ya...

Q: Ah ano?

C: Pumunta ka sa'kin mamaya 'pag dismissal time para malaman mo kung paano, ok?!

<*end of flachback*>

A: Oo nga pala, kahapon... Bakit ka umalis...

Q: Hindi na 'yun importante, 'di ba pumunta 'ko dito para maging tutor mo? mag-umpisa na tayo...

...
---
___
A:parang iniiwasan n'ya 'ko... parang meron s'yang tinatago...

Q:sana 'di n'ya mahalatang ay tinatago ako sa kanya... bakit kasi ako pa! nasasaktan tuloy ako...
...
---
___
Q: o sige, uuwi na 'ko... mukha namang natuto ka na e...

A: teka, Q, naiwan mo 'yung notebook mo!

Q: (lingon)

A: (nadulas)

Q&A: (hug&kiss)([author's comment: yihee, kinikilig ako!])


A: Ah, pasensya na, naiwan mo kasi 'yong notebook mo e...

Q: A, hindi, ayos lang... Aalis na 'ko ha?!

A: Sige, ingat

Q: Dapat ikaw ang mas nag-iingat, may sakit ka pa naman...

A: Sige..



A:ano bang nangyari... I, I just kissed him!

K: A, anong ginagawa mo? diba may sakit ka?

A: A, ate, a, babalik na po 'ko sa kwarto...

K:sus! 'kala mo 'di ko nahita 'yung nangyari kanina... pero ayos lang... kung talagang kayo, edi kayo... at, napansin kong nagkakagustuhan kayong dalawa... 'wag kang mag-alala, A... tutulungan kita sa kanya kung kailangan mo ng tulong...
...
---
___
Q: ano ba 'yung nangyari kanina! teka, ano 'tong papel sa likod ng notebook? dear Q,...

to b cont•knew•d

0 comments:

 
template by suckmylolly.com